ABS-CBN News and Current Affairs
MNP Q&A: Francis Faulve, Reporter for ABS-CBN News
Faulve talks to us about his experience working in two of the country’s biggest TV networks, his take on EJKs under the Duterte admin, and why there is still a need to cover crime news stories.
Francis Faulve, more commonly known to his peers as Kiko, has been covering crime news for almost seven years now. He has been doing this for ABS-CBN since 2009, just a few years after re-joining the Kapamilya Network after a short stint at rival GMA-7.
“I enjoyed my stay at the Kapuso Network. It was short but very memorable,” he said. “Pinili ko lang na bumalik sa ABS-CBN when I got a call from a big boss during that time. He wanted me back. It was also a good time to resolve a conflict with a fellow Kapamilya then, so kahit medyo alam ko naman na may future ako sa GMA-7 noon, I decided to go back to my home network without burning any bridges, of course.”
A UPLB alum, Faulve began his career at ABS-CBN in 2001, starting as a production assistant and eventually as a researcher. At GMA-7, he worked alongside Kapuso veteran Rhea Santos on her now-defunct weekly public service show At Your Service — co-producing its award-winning “Under The Sea” special.
“Ang nakuha ko mula sa experience na ‘yan ay ‘yung mga tunay na kaibigan na nakilala ko at hanggang ngayon ay mga kaibigan ko pa rin,” he said. “Sabi nga ng mga kasamahan ko sa GMA-7 dati, hindi wallet ang pinataba namin mula sa aming mga programa kung hindi ang aming mga puso for being ‘at your service’ sa mga nangangailangan.”
For this edition of MNP Q&A, Faulve talks to us about his experience working in two of the country’s biggest television networks, his take on the alleged extrajudicial killings, and why there is still a need to cover crime news stories. Be sure to join the conversation below or on our Facebook page. You can also tweet us @medianewserph.
Name: Francis Mark Dulay Faulve
Birthdate: August 30
Occupation: Reporter for ABS-CBN News
Education: BS in Forestry, University of the Philippines Los Baños
Guiding Principle: “A man reaps what he sows.“ –Galatian 6: 7-8
Media Idols: Frankie ‘Ka Kiko” Evangelista and Angelo Castro, Jr.
Twitter Handle: @FrancisFaulve
Share to our readers your story. Who is Francis Faulve both on-cam and off-cam?
On-cam, seryosong news reporter lalo na kapag nagla-live report. Para daw akong laging galit sabi nila. Minsan mabilis naman daw mag-salita na parang hinahabol ng kabayo o naghahabol ng train to Busan [Laughs.] Sabi pa ng iba, ako na daw ang “King of Haggardness” while reporting. Pumapayag kasi akong sumalang at umere kahit pawisan at walang poise lalo na kung may breaking news.
What other people don’t know is off-cam, ako rin ay kalog. Self-confessed bully rin — my peers can attest to that — and family oriented. I always see to it that I get to spend quality time with my better half and my 9-year-old son Wewo.
What made you want to get into the news industry?
When I was younger, pangarap ko maging piloto o di kaya naman maging doctor. Napasubo lang ako dito. I was just trying my luck then pero ‘yung akala kong job interview noon ay staff meeting na pala. Mabilis naman akong natuto at mula noong 2001 hanggang ngayon ay masasabi ko na wala akong ibang alam gawing trabaho kundi ang maging journalist. Malaki ang pasasalamat ko sa mga beteranong mamamahayag na nagbukas ng pintuan sa aking sa industriyang ito.
Nakatawid ka na rin sa ibang network, sa GMA-7. Ano ang nangyari ng mga panahon na ‘yun?
Ibang learnings din siyempre ‘yun. A situation drew me to seek temporary refuge at GMA-7. Nagpapasalamat ako sa tiwala nila, kahit pa sa pang-aasar nila na spy daw ako, hanggang sa napatunayan ko ang sarili ko noong nakilala nila ako at nakasungkit kami ng parangal para sa ilang segments na ginawa ko para sa kanila. Pero ang nakuha ko mula sa experience na ‘yan ay ‘yung mga tunay na kaibigan na nakilala ko at hanggang ngayon ay mga kaibigan ko pa rin. Sabi nga ng mga kasamahan ko sa GMA-7 dati, hindi wallet ang pinataba namin mula sa aming mga programa kung hindi ang aming mga puso for being “at your service” sa mga nangangailangan.
Why did you then decide to return to ABS-CBN?
‘Yung pag-alis ko sa ABS-CBN kasi noong 2004, napilitan lang ako noon. Mainit kasi ang political landscape noong mga panahon na ‘yun. I enjoyed my stay at the Kapuso Network. It was short but very memorable. Pinili ko lang na bumalik sa ABS-CBN when I got a call from a big boss during that time. He wanted me back. It was also a good time to resolve a conflict with a fellow Kapamilya then, so kahit medyo alam ko naman na may future ako sa GMA-7 noon, I decided to go back to my home network without burning any bridges, of course.
Tell us about your current role at ABS-CBN.
I am a field reporter covering crimes, accidents and anything newsworthy which transpire during graveyard. Recently I was assigned to temporarily lead the team of our graveyard reporters as their desk editor.
How do you see this temporary position developing in the near future?
I don’t know. I don’t plan for my career. I always give it to God and since I started in 2001. I have been getting so many surprises and I am looking forward for more. Basta iba si God eh. Kung nasaan ako ngayon, kung ano ako ngayon, hindi ito talaga ‘yung pinangarap ko eh. Pero gusto ko ito at mahal ko ang trabaho ko kaya naman nananatili ako rito.
You’ve done many stories in your more than a decade career in the business, what would be the most memorable for you, and why?
Kahit sino naman siguro na nagcover sa nangyari sa Tacloban at Samar noong Bagyong Yolanda, yuon ang pinakahindi natin malilimutan. ‘Yung nakikita mo ung mga bangkay na hindi pa makuha kasi marami pang inaasikaso ‘yung mga rescuers at officials. Napapanaginipan ko pa nga ‘yun hanggang sa ngayon.
Tumatak din sa akin ‘yung kaso ng babaeng tumulong lang sa kaibigan para mabawi ung anak niya sa Olongapo tapos pinatay pa siya, ni-rape, at sinunog pa ang bangkay niya. Buti may tattoo siya kaya nakilala pa ng kanyang pamilya. Noong ini-interview ko ‘yung tatay ng biktima, nagulat ‘yung crew ko kasi nauna pa akong maluha doon sa tatay niya. I just felt the pain, mababaw talaga kasi ang luha ko. Ilan ito sa mga istoryang tumatak sa akin at palagi kong babalikan dahil naipakita nito na tao pa rin ako at minsan ay naaapektuhan ng mga kino-cover ko.
Who’s your favorite interviewee?
Before nitong Halalan 2016, paborito kong interviewee si Manny Pacquiao. Biruin niyo, kada laban niya, zero ang crime rate sa buong bansa. Paborito ko rin kapag nagkukwento siya about how he met God and how this new faith changed him completely from a gambler to a pastor. He has a powerful testimony kaya naman I feel blessed every time I cover him. My longest interaction with him was during his caravan in Tacloban to Samar noong panahon ng Yolanda.
Who do you want to interview next?
Who do I want to interview next? Siguro I want a one-on-one with President Rodrigo Duterte. He is the man of the hour eh. Ano kaya ang plano niya para ma-unite ang mga Pilipino na hati ngayon sa issue ng extrajudicial killings at ating foreign relations.
Speaking of President Duterte — this last election has been one of the most divisive and most vicious elections we’ve had for quite a long time. We see that with the way people talk on social media, or how pseudo-journalists attack the mainstream media. What’s your take on this?
Oo, ganun na nga. Normal naman na nahahati tayo tuwing halalan. Ang challenge na lang sa amin ngayon ay ‘yung mga humuhusga at nagpakalat ng malisyosong “branding” sa amin bilang mamamahayag at bilang empleyado ng ABS-CBN, lalo na sa social media.
Personally, marami akong bashers, may mga gumawa pa nga ng fake accounts ko. Lahat tayo may karapatan pero may limitasyon ito lalo na kapag nayuyurakan na ang karapatan ng iba. Karapatan nilang mag-express ng palagay nila sa akin pero karapatan ko rin naman na hindi patulan ang mga post nila. Sa katunayan marami na akong nai-unfriend at na-block na ganun. Ang dasal ko na lang ay para sa totoong healing at unity sa ating bansa.
Interesting that you said that since people nowadays attack the messenger when they disagree with the message. But it’s surprising that there’s little uproar on cases of extrajudicial killings. May nagbago na ba sa pagcover niyo ng mga balita lalo na itong mga EJK-related?
Dama namin ang pagbabago sa Ronda Patrol coverage namin lalo tuwing graveyard. Dati, pahirapan maiere ang istorya namin or minsan pahirapan makakuha ng istorya sa magdamag. Pero ngayon, base sa ABS-CBN Investigative and Research Group data, nasa 8 per day ang reported fatalities due to police operations, at ang daily average of all reported drug-related fatalities ay 13. Kaya naman halos magulat na kami sa pag-cover ng mga patay. So far, breaking all records ang 22 deaths at a particular night sa buong Metro Manila.
Ibang-iba noon na matumal na matumal kahit isang salvage victim ay wala kami makuha. Sa mga panahong ito, pagod na pagod kami sa paglipat from one coverage to another. May biruan nga ang mga journalists na halos pag-ihi lang ang pahinga tapos meron na namang patay.
What’s your take on these alleged cases of extrajudicial killings?
I cannot say that this is EJK kasi hindi pa naman naconfirm that it is. Pero alarming lang ang deaths. Hindi naman sa hindi namin binibilang ang dami ng mga na-holdup, na-rape, nabaril o namatay dahil sa mga lulong sa drogang mga perpetrator. Siyempre ayoko na ang mahal ko sa buhay ay mabiktima ng ganito. I support the government’s war on drugs, it’s just that iniisip ko lang these men and women who got shot and killed, nanlaban man sa anti-drug operations o pinagbabaril ng riding-in-tandem, they are human beings. Though pwedeng maiugnay sila sa paggamit o pagtutulak ng droga, hindi naman ito pinagtibay ng korte. Hindi naman sila nahahatulan pa. What if mali pala ang akusasyon? Namatay na sila, wala nang pagkakataon para maiwasto ang pagkakamali. I still believe in the rule of law in the Philippines, and I always pray for our country.
Why do you think the networks should still continue covering crime stories?
We cover crime incidents assuming that our audience will learn from it. Para walang mabiktima ng krimen. Hindi nakakatuwa na makakita ng bangkay gabi-gabi. Minsan bumabaliktad ang sikmura namin kapag nakakakita kami ng gula-gulanit na katawan ng tao o napisa na mukha at kumalat na utak mula sa motoristang nabangga at nasagasaan sa Edsa. Pero patuloy kaming nagko-cover para sana mamulat ang aming mga tagapanood at hindi sila masangkot sa parehas na sitwasyon. Ito ang serbisyo namin sa publiko — ang ipakita ang mga modus operandi nila para makaiwas na mabiktima nito. Kasama rin namin ang mga otoridad sa panghuhuli ng mga kriminal para may peace of mind ang publiko.
How would you describe the current media landscape?
Digital media is currently making its way. Hindi kami pahuhuli or else mawawalan kami ng trabaho. Pero ang nakakalungkot lang ngayon, kasabay sa pag-advance ng technology ay ‘yung paglaganap ng mga maling balita na mabilis kumalat sa social media, tapos kahit hindi ito wasto, people will accept it as as the truth because it has been shared many times. Ang kaibahan kasi sa amin bago kami maglabas ng balita, dumaraan muna sa ilang ulit na pag-verify bago pa kami magpost sa social media at bago naming i-break sa ere sa radio man o TV. Nakakalungkot lang na dahil sa bilis ng pagdaloy ng impormasyon sa internet ngayon, mabilis ring naipapakalat at marami ang agad na napapaniwala sa mga “misinformation” na ganun. Dahil dito, we are trying to keep up, Social media na kasi ‘yung mahigpit na kalaban namin ngayon.
So far what do you consider the highlights of your television career?
For a time, I have been tagged as the “CCTV King” of ABS-CBN. Most stories kasi ng CCTV Patrol since it was launched, were from me. Ito ‘yung isang bagong source ng magagandang stories. Naido-dokumento kasi ng CCTV ang actual na footage ng isang crime o pangyayari. Napapadali nito ang video requirement na isang malaking elementong kailangan sa storytelling. Pero ang challenge naman ay kung paano mo bubuuin ang istorya within the boundaries of our ethical standards. Mahigpit kasi ang Kapamilya Network dito.
Ipinagmamalaki ko rin ang ilang dokumentaryong nagawa ko para sa dating show na Patrol ng Pilipino. Kung noong nasa GMA-7 ako ay nakapag-uwi kami ng parangal mula US Film and Video Festival, ang show naman na ito ang nagbigay sa amin ng special citation mula sa Vatican para sa istorya patungkol sa pangangailangan ng mga obispo ng mga sasakyan. Naipakita natin sa mundo na bilang obispo sa mga liblib na lugar sa probinsya, hindi lang pari ang kanilang papel kundi doctor, school bus driver, at marami pang iba. Siguro ay puwede ko ring ituring na isa ako sa mga nasa linya nila Gus Abelgas na nasa crime beat pa rin kasi halos pitong taon ko na itong ginagawa.
With your very busy schedule, what is your day-to-day life like?
We call ourselves the owlers o kaya vampires kasi we work while most of you are soundly asleep. We look for bloody accidents and crimes, we cover fires, floods and other misfortunes and tragic incidents. More than 5 years ako sa Manila Police District. The practice was to go around police stations, ask if we can join them kung may responde sila. Ikot-ikot baka may rambol o kaya naman magpunta kami sa mga barangay to ask about their CCTV recordings, and make friends sa mga taxi driver na nakatambay. Most of the time sila ang nagtitimbre sa akin ng mga nadaanan nilang mga aksidente.
Pagkatapos i-cover, babalik sa MPD Headquarters tapos magsusulat ng script, magpapadala sa desk editor tapos magbo-voice na, and then hahanap ng iba pang stories.
Noong nalipat ako sa Quezon City Police District, ganoon din. Ngayong sa opisina na lang ako, ako naman ang team leader ng mga reporters sa field.
I-kuwento mo sa amin ang pamilya mo. Sa tingin mo ba maaaring sumunod sa yapak mo ang inyo anak na si Wewo?
Akala ko dati my roots are mostly teachers pero may isang lolo rin pala ako na media practitioner, si Lolo Manny Freires. Sa kanya siguro nanggaling ‘yung genes na nagmanifest at nagagamit ko ngayon. ‘Yung anak kong ‘yan, noong bata pa siya, natutuwa kami kasi ginagaya nya si Kabayan at nagti-TV Patrol din. Minsan naman si ninong Julius [Babao]. May mga episodes din na kunwari nagrereport siya tapos sasabihin niya, “Wewo Faulve, Patrol ng Pilipino.” Noong mga early days ko nga as a TV reporter, my wife noticed him na kinakausap ako sa harap ng TV screen, tapos tinatanong niya ang nanay niya kung bakit hindi ako sumasagot. [Laughs.]
Sa school, leader siya at proud siya sa tatay niya. At dahil crime reporter ako, maaga rin siyang na-expose sa mga pictures ng patay, lasog-lasog ang katawan, sunog at iba pang kinocover ko. Matapang naman siya. Noon ngang inoperahan ako sa ulo at braso dahil sa isang aksidente, siya pa ang naglinis ng sugat ko kasi hindi kaya ng nanay niya.
I don’t see anything wrong kung susundan niya ang yapak ko. Kung ano man ang piliin niya paglaki niya, makakaasa siya na susuportahan namin siya ng 100 percent.
How do you juggle life as a family man and a news reporter?
Time management. Madaling sabihin pero napakahirap talaga. Sabi nga ng dating President at COO ng kumpanya na si Miss Charo Santos-Concio, “Ang oras na ginugol mo sa kumpanya at ilang importanteng okasyon na wala ka sa pamilya mo ay hindi mo na maibabalik. Pero ang consolation mo na lang ay nakapag-provide ka para sa kanila. Naging maayos ang pamilya mo sa kabila ng hirap na pagbalanse sa oras.”
Kahit workaholic ako, meron din naman akong non-negotiables. Kabilang na diyan ang sagradong weekends — sagrado ‘yan para sa bonding ko sa asawa at anak ko. We also enjoy every opportunity to travel. ‘Yung pera kasi mauubos at mauubos yan pero ung investment mong memory lalo na sa anak mo, dadalhin niya ‘yun long after we are gone.
Importante rin na napakaswerte ko at sobrang understanding ng asawa ko. Hindi selosa at higit sa lahat, I trust her, she trusts me. We value that at inaalagaan namin ‘yun. I can tell her anything I want and she would just listen without judging me. Siya ang lagi kong kakampi, kasangga at kasama, literal ‘yun through thick or thin.
Lastly, we pray for each other and pray together. God is not just the center of our marriage but He is the steering wheel of our family. Wherever he leads, we will follow.
Tell us about your bosses, Ging Reyes and Lynda Jumilla. How would you describe them?
Napaka-supportive ng aming mga bosses. I appreciate their initiatives in helping us do better in our job gaya nung stress debriefing lalo na nung lumobo ang bilang ng mga kino-cover namin na patayan every night. Meron ding recommendations para sa corporate university, which is aimed at helping us develop techniques in improving our craft. Approachable din sila para i-discuss kung may gusto ka pang subukan o kung may personal or professional input sila sa aming journey sa field.
Having said that, do you see yourself staying as a Kapamilya for the next five years?
Posible naman unless ayaw na nila sakin. [Laughs.]
Lastly, Kiko, what would be your best advice to those who might want to join the television news industry?
Lagi kong sinasabi sa mga students na nag-iinterview sakin na when I started in 2001, madami kami at masaya kami. Pero as the years go by, unti-unti kaming nababawasan. Hanggang sa iilan nalang kaming natira. Sabi nga di ba, “many are called, but few are chosen.” Kailangan, if you want to be in this industry ay una makapal ang apog mo, pangalawa matatag ang sikmura mo at malakas ang loob mo. Pang-huli ay gusto mo talaga dito. Kung hindi buo ang loob mo at hindi mo mahal ito, hindi ka para dito. Marami kang madadaanan na obstacles at madali kang susuko. So, if you say now that I want to be there, okay ‘yan pero siguraduhin mo kasi hindi madali na makapasok dito at lalong hindi madali na manatili dito. Sabi nga nila, “treat every story as your last, because we will never know, baka ‘yun na nga ang huli mo.” It’s a little bit funny pero may sense. Katulad ng walang kasiguruhan sa buhay. But having a strong faith in God at sapat lang na self-confidence, you will be in the right path.
-
First on MNP1 month ago
GMA News shifts to solo-anchor format as cost-saving measure
-
ABS-CBN News and Current Affairs1 month ago
Former CNN Philippines anchor Rico Hizon joins ABS-CBN News Channel
-
The Latest1 month ago
‘Gud Morning Kapatid’ introduces new team, moves to earlier timeslot
-
ABS-CBN News and Current Affairs5 days ago
Kapamilya reporter Jeck Batallones departs ABS-CBN