Connect with us

GMA Integrated News and Public Affairs

MNP Q&A: Love Añover, co-host of GMA-7’s ‘Unang Hirit’

The “Reyna ng Kalsada” talks about her life and career as a journalist, her experience covering Yolanda… and everything!

Published

on

Photo: Love Añover | Artwork: Media Newser Philippines

Since joining GMA-7 more than a decade ago, Love has hosted a number of public affairs programs all under her belt. She has also covered many major news events including last year’s devastating super typhoon Yolanda.

“Yolanda taught me so much in life, na pagdating sa kalamidad, lahat pantay-pantay. Walang halaga ang pera,” she said. “Lahat huhugot ng lakas mula sa Diyos, na ang tanging panghahawakan mo ay pag-asa… pag-asa na pag gising mo kinabukasan isang mas makabuluhan at magandang umaga o kabanata ng buhay ang naghihintay sayo.”

Her personal tale of success is just as colorful as her bubbly personality. Starting as an intern for The Probe Team, Love eventually climbed the ranks and became one of the show’s hosts. “It was one of the most wonderful years of my career, it felt like katrabaho ko ang pamilya ko,” she said. “Kaya kapag napag-uusapan ang Probe, my heart will always jump in joy and I could go on and on.”

She has also made her mark as the go-to reporter for consumer reports and traffic updates on Unang Hirit, which earned her the moniker “Reyna ng Kalsada.” “I am also humbled and grateful na nakikilala at napapansin ako ng mga manonood,” Love said. “And the best compliment pala ay whenever they tell me that I make them happy kapag napapanood nila ako.”

Love was kind enough to grant us this interview wherein we talked about her life and career as a journalist, her experience covering Yolanda… and everything! Be sure to be part of the discussion on Twitter by tweeting us @medianewserph or posting your comments on our Facebook page.

Name: Lovella Añover-Lianko
Birthdate: February 21, 1976
Occupation: TV Host/Journalist
Education: College Graduate, Polytechnic University of the Philippines 
Guiding Principle: Do not do unto others what you don’t want others to do unto you
Media Idols: Cheche Lazaro, Howie Severino, Nessa Valdellon-Balderas
Twitter Handle: @loveanover

Let’s start with a little introduction. Who is Love Añover on cam and off cam?
Most of what you see about me on cam is what I am off cam. Kaya siguro hindi ako nahirapang mag-adjust from being a behind the scene production staff to an on-cam talent.

You started with Probe as an intern back in the day. Could you tell us more about your early beginnings?
I believe God wants me to be in this field kasi napasok agad ako sa The Probe Team ni Ma’am Cheche Lazaro na hindi pa ako nakaka-graduate. Thanks to a good friend, Alberto Sumaya (Betong) who suggested that I join them as an on-the-job trainee. 1997, Probe took me as one of their production assistants and yes, I really owe them all my production skills and the bosses and co-workers who were all generous to give everything I need to learn.

From booking interviews, to editing, writing and reporting and yes, making mistakes without my bosses screaming or yung tipong mumurahin or magni-name call sa mga kapalpakang nagawa ko. Napakapositibo nang pagtuturo nila sa akin. It was always you and your boss in a room, asking you what went wrong at bakit pumalpak ka sa trabaho. Very professional and very personal. Ikaw na ang mahihiyang magkamali sa mga susunod mong gagawin. It was one of the most wonderful years of my career, it felt like katrabaho ko ang pamilya ko. Kaya kapag napag-uusapan ang Probe, my heart will always jump in joy and I could go on and on [laughs].

In one of your interviews, you said you originally wanted to work as a saleslady and even considered working abroad as a domestic helper. What made you decide to change path? Were you interested in joining television when you were younger?
I never dreamed of being on TV or working for TV. Mahilig though akong manood ng TV. I remember kasi before, nasa high school pa ako, early 90’s ito — I remember seeing these ladies in their uniforms na pusturang-postura. Maganda ang make-up and feeling ko parang ang ganda ng trabahong ganyan. At naalala ko rin mga high school graduate karamihan sa kanila. Hindi ko kasi naisip na makakaabot ako ng kolehiyo dahil high school pa lang hikahos na akong suportahan ng pamilya ko kahit na nga lahat kami eh kumakayod. Huminto nga muna ako ng isang taon at nagtrabaho muna saka ako nagkolehiyo. 

Tapos nung nasa kolehiyo naman ako, napansin ko na lahat ng mga domestic helper na nakilala ko sa lugar namin eh nakapagpapatayo ng bahay na bato at nakabibili ng magagandang appliances sa bahay.  So, sabi ko sa sarili ko, “Ay, ito ang trabaho na mag-aahon sa pamilya ko sa kahirapan.”

What and who inspired you to join this business?
Noong una I thought tatapusin ko lang ang OJT ko sa GMA-7 tapos abroad na ako. Eh tumawid ako sa The Probe Team. And then I fell in love with it. Sa Probe nakita ko ang mga issue sa paligid ko na noon ay ‘di ko nakikita. I mean ‘yung mas malalim at iba’t ibang anggulo ng mga issue. Nabuksan ang isipan ko sa napakaraming bagay. Mula sa korapsyon, kahirapan, pulitika, ekonomiya, environmental issues at kung anu-ano pa. 

Na-realize ko, “Wow, para akong nasa Unibersidad ulit at nag-aaral. Ang dami-dami kong natututunan. So, I say Probe and my colleagues plus my boss, Cheche Lazaro made me stay in this business.

Working in and for The Probe Team for almost a decade, how would you sum up your experience being part of such a high caliber team?
I will be forever grateful to Probe, to Ma’am Cheche for the amazing years na nasa Probe ako and sa lahat ng mga nakatrabaho ko sa Probe. Hanggang sa kabilang buhay ang aking pasasalamat. Hindi talaga matatawaran ang naibigay nila sa akin. I am so blessed na sa kanila ako nag-umpisa ng aking karera sa media.

What is journalism for you?
Journalism for me is really about telling the story na kinukuha ang lahat ng anggulo ng istorya hanggang sa pinakamaliit na detalye. And letting the story unfold nang wala kang gagawing — pardon for the word —  “salsal” at hindi mo dino-drawing o idi-direct ang istorya ng naaayon sa gusto mo.

Dapat rin ay nabibigyan ng pagkakataon na makuha ang side ng lahat ng taong involve sa istoryang ginagawa. At siyempre pa, kapag gagawa ng istorya dapat lagi mong iniisip na, after ba mai-ere ang istoryang ito, will it make a difference lalo na sa mga makanonood nito?

You are known as TV’s “Reyna ng Kalsada.” How do you react when people call you with that moniker? 
[Laughs.] Kinikilig! Totoo yun. Para akong tinatawag ng crush ko. I just hope though na may katuturan ang pagtawag nila sa akin ng ganoon. And I am also humbled and grateful na nakikilala at napapansin ako ng mga manonood. And the best compliment pala ay whenever they tell me that I make them happy kapag napapanood nila ako. Lalo na noong “kangkarot” pa ako at pasayaw-sayaw [laughs]. I miss that.

Is there any difference in terms of the way you report the traffic from back when you were starting to the present?
I am still happy that I am in this career for almost 15 years na yata. I guess my bosses and company want me to try new things kaya ibang style ng reportage na ang ginagawa ko. Wala namang problema sa akin ‘yun. Ako naman, I am willing na subukan ang kahit ano sa trabaho ko.

How did you make the leap from traffic reporting to becoming a host of your own programs?
This one I owe to Unang Hirit. Ako naman po kasi kapag may ibinigay na trabaho, I will give my everything para magawa ko ang trabaho ko. At mabait po ako [laughs].

Kidding aside, I guess po nakita siguro ng mga bossing ko na hinog na ako sa panahon at karapat-dapat na akong magkaroon ng sarili kong show. 

Nagpapasalamat din po ako ng buong-buo sa pagkakataon at pagtitiwala ni Ma’am Marissa Flores at iba pang mga boss. Of course, pati rin po sa lahat ng mga nakatrabaho ko sa Lovely Day, LoveLife, Happy Land, Sunnyville at Hanep-Buhay, isama mo na riyan ang mga nakakatrabaho ko sa Good News at Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie. Hindi ko naman mararating ang ganito ng wala sila. 

You did LoveLife back when reality TV was at its infancy here in local TV. What was your experience with that show like? Any memorable stories worth mentioning?
Lovelife taught me a lot of things and mas lalo ko pang na-appreciate ang buhay ko kahit na nga sobra siyang nakakapagod at pamatay. Na-try kong magbuhat ng isang sakong kalabasa sa Mega Q Mart bilang kargador pati na rin ang pagiging kargador sa pier kung saan umakyat ako na may nakapatong na mga bagahe sa likod ko, sa isang hagdang umaabot sa ikatlong palapag.

I also remember being a kaminero. Pinasok ko ang mga estero ng E. Rodriguez Avenue para lang maglinis at magtanggal ng bara. Ay karamba! Naging zoo keeper rin ako sa Avilon Zoo kung saan nilundagan ako ng isang baboon mula sa puno. OMG! Kelangan kong maturukan ng anti-rabies ng limang beses kasi bumaon yung kuko ng baboon sa balikat ko.

At ang pinakabongga sa lahat ang maging manggagawa ng uling. Kailangan mong lusungin ang napakaitim na estero para mangolekta ng mga kahoy. May mga palutang-lutang pang “yellow submarine” sa sapa na ‘yun. Magbabad sa tirik na tirik na sikat ng araw para hintaying maluto ang uling. Madapa at makahawak ng “human waste” dahil kailangan dayuhin pa yung lugar na paglulutuan mo ng uling! Tapos ang kikitain mo eh kakapiranggot lang! Oh di ba? How will you not appreciate your life kapag ganoon ang nararanasan mo na ginagawa ng ibang tao. 

You were among those who managed to cross over the entertainment industry doing a sitcom and an album. Is that something you can consider your fallback? Can we expect to see more of your acting prowess on GMA News TV’s Bayan Ko?
I really enjoyed doing Kool ka Lang (GMA-7 sitcom). Maraming salamat sa rekomendasyon nina Mr. Raymart Santiago at Joey Marquez na maisama ako sa cast nila. Ibang klaseng experience din yun. And yes, an album. Ivory Records really believed in my singing style. Lahat halos ng mga kanta ko sa album na ‘yun eh mga orig! Isa lang ang ni-revive ko run. Salamat kay Snaffu Rigor.

Hindi ko naman inisip na fallback ko ang mga ‘yun. Ako nga kasi ‘yung tao na kapag may dumating na oportunidad, grab kung grab! Kung hindi mag-prosper, may ibang bagay na nakalaan para sayo. I wish producers and directors will get me sa mga movies or series or teleserye nila [laughs]. I also love acting.  Nagsimula kasi ‘yang akting-akting na yan nung umaarte ako noon sa teatro ng PUP. Ibang level ng high ‘yun. Natanggal ang hiya ko sa experience ko na yun.

I am so happy na kinuha ako ng GMA News TV for Bayan Ko. Isang makabuluhang palabas sa telebisyon na hinding-hindi ko rin makakalimutan. Magpaparinig na ako, please isali niyo po ako ulit sa mga ganung klaseng palabas [laughs]. Grateful to Ms. Nessa Valdellon-Balderas, na mula pa sa Probe ay ganoon na lang din ang paniniwala sa aking kakayahan.

In your years of being a journalist, what story that you covered took you most by surprise? And what story are you most proud of in your career?
Back when I was still a production assistant, Probe made a story about a mother who sells her kids. My producer/writer then was Nessa Valdellon. Ako personally ang nagbigay ng istorya. Kilala ko ‘yung nagbebenta ng anak. Nasa tiyan pa lang ang anak niya, may nakabili na. 

My very first story with Probe na ako ang nagsulat at nag-produce ay dinayo ko pa sa Zamboanga del Norte. Reporter ko naman doon si Ms. Twink Macaraig. Nauna ako sa lugar for further research and occular na rin. Kailangan kong umangkas sa motor at dumaan sa napakaraming rough roads sa loob ng 12 oras. Tapos bumalik ulit sa pinanggalingan namin ng another 12 hours. Naaalala ko, naiiyak na ako sa sakit ng likod at katawan ko habang nasa biyahe. Manhid na rin yung daliri ko kakakapit sa jacket ng resource person na kakikilala ko pa lang nang araw na ‘yun.

Pero naisip ko naman na walang-wala ang paghihirap ko sa hirap na mararanasan ng mga lumad sa isang lugar sa Zamboanga del Norte kapag naagaw sa kanila yung lupa nila na inaangkin ng isang malaking kumpanya na nagma-mining sa lugar. ‘Yun ang naging motibasyon ko na tapusin at gawin ang story.

Tapos nung reporter na ako for Probe, gumawa rin ako ng istorya na mga bata naman na ginagamit sa pagbebenta ng droga. Tapos nabigla ako, na pagdalaw ko sa isang batang nakulong sa Manila City Jail, kilala ko yung batang runner o nagagamit sa pagbebenta ng droga. Kalugar ko nung nakatira pa ako sa isang iskwater sa Maynila.

I am also proud of my two stories I produced for I-Witness. Ma’am Cheche Lazaro was my host. One was about mga batang naglalayas at sa kalsada naninirahan at sa mga sementeryo. Naaalala ko, may bata kaming sinamahang makauwi sa bahay nila. Tapos pag-uwi niya malubha na pala ‘yung sakit ng nanay niya. Isa o dalawang araw bago umere ‘yung story, namatay yung nanay. Ang bigat ng dibdib ko nun. 

The other I-Witness story ay ‘yung mga iba’t ibang manggagamot o mas kilala sa tawag na albularyo sa Pilipinas. One particular case study ko noon ay yung isang dentista na mga pliers lang ang gamit sa pagbunot. Sobrang karakter ang case study na ‘to na naniniwala na siya si Hesus. Grabe, napakaraming naniniwala sa ginagawa niya at nagpapabunot ng ngipin sa kanya!

Who among the people you have met/interviewed had the biggest impact on you — both personally and professionally — and why?
Ms. Cheche Lazaro, professionally and personally for being a great and kind mentor and boss. She’s like a mother and a boss sa akin. Will forever love her.

Ms. Nessa Valdellon-Balderas for teaching me so many things in producing a story and for pushing me to level up my ambition [laughs]. Masaya na kasi kami noon ni Albert Sumaya Jr., na maging PA pero sabi ni Nessa, hindi pwede sa Probe yun.

Ms. Marissa Flores, just like Ma’am Cheche, her passion in her work and how she handles her staff —  panalo! Napakabait. Hindi ako nahihiyang lumapit sa kanya o matatakot na hingan siya ng opinyon sa mga bagay na kailangan kong desisyunan sa personal ko mang buhay o me kinalaman sa karera ko.

Ang mga mamamayang Pilipino, para sa segment ko noon sa Probe na “Pasakalye.” Akala ko dati walang paki ang mga Pinoy eh. ‘Yung tipong puro lang sila trabaho. Nakakaaliw na kapag nagko-conduct ako ng man-on-the-streets interviews ko, karamihan may matatalinong pananaw sa mga issue ng ating bayan at kahit mga issue sa ibang bansa.

What’s the biggest lesson you’ve learned in carving your own path here in Manila?
Magdasal! Tapos sabayan mo ng kabaitan, pagiging positibo, pagbabanat ng buto at pagmamahal sa mga katrabaho at trabaho at huwag matakot sa pagbabago.

You are known for covering calamities on UH, but last year’s Yolanda was of a different kind — it was really massive. What did you learn from that particular coverage that made you a better journalist and a better person today?
No story is worth your life. But I know, I was meant to be there. Ang mga magulang ko kasi at kapatid ko ay isa sa mga bikitima ni Yolanda. Kung nasa Maynila ako ng mga panahong ‘yun, isa siguro ako sa mga mapa-praning dahil hindi makontak ang pamilya nila. 

Yolanda taught me so much in life, na pagdating sa kalamidad, lahat pantay-pantay. Walang halaga ang pera. Lahat huhugot ng lakas mula sa Diyos, na ang tanging panghahawakan mo ay pag-asa… pag-asa na pag gising mo kinabukasan isang mas makabuluhan at magandang umaga o kabanata ng buhay ang naghihintay sayo. 

When me and my Unang Hirit and engineering team of GMA-7 survived the storm, I really thought that everything was fine. Hanggang bumulaga sa amin ang katotohanan paglabas namin ng simbahan ng Palo.  Maraming sugatan. Maraming nawasak na tahanan. Maraming patay. 

Yes, In all honesty, noong una habang nililibot ko nang tingin ang paligid, naghahanap ako ng dahilan para maging positibo na malalagpasan nila ang delubyong dumating sa kanila. Natakot ako para sa mga residente, na napakaimposible ang pagbangon pagkatapos nang nangyari. Walang search and rescue na dahil lahat nga ay apektado ng bagyo at storm surge.  

Pero sa gitna ng isang napakapangit na scenario, I saw love. May nakita akong isang lalaki na kahit sugatan na siya takbo pa rin siya nang takbo at may hawak-hawak na gamot para sa isa pang sugatan.  Buhay na buhay ang bayanihan sa iba’t ibang aspeto ng pagtulong.

Sa gitna nang gulo I saw people orderly lining up for relief. Walang tulakan, walang agawan. There were stores at Palo Market that got ruined by the typhoon and voluntarily gave all their stuff to the people. 

Seeing all these, napatunayan ko kung gaano katatag at mapagmahal ng mga Pilipino… na hindi basta-bastang mamamatay ang kanilang ispirito para lumaban. And that Filipinos deserve an honest and good governance. Kasi kung ibibigay ito sa kanila, mas magiging madali ang pagbangon at pagharap sa mga pagsubok.

What’s your schedule like now? Could you describe to us your daily routine?
It is much more relaxed now than before, lalo na nung nagkaanak ako. I also believe na talagang God designed my path, na mas dapat hindi na ako sobrang puro trabaho na ngayon. Mas marami akong oras para sa pamilya ko at sa sarili ko. Kontrolado ko ang oras ko. 

Nagagawa ko ‘yung mga gusto kong gawin. One is, I enrolled at Clicks, culinary school ni Chef Boy Logro. I learned a lot of techniques in cooking and also baking. Nag-enroll din akong mag-aral manahi.  And recently, I also joined 6 sessions ng pag-aaral ng painting. Unti-unti nalalagyan ko ng mga tsek ang mga nakasulat sa aking bucket list.

What do our MNP readers and TV viewers should know more about you? Any secret talents?
I don’t think I have a secret talent [laughs]. Baka idi-discover ko pa in the future. Abang-abang na lang.

Will you ever consider jumping ship or are you a loyal Kapuso?
Kapuso have been very generous to me since the day I joined them in 2001. Before joining them, tinanggap ko na sa puso ko na posibleng ngayon may sarili akong show at bukas wala. Tapos another project will be given to me and then axed. The cycle is kinda like that. May galit ba ako sa cycle na ganito or tampo man lang sa network ko? Wala. Everything is gratitude because until today I still have work and through that I believe they still want what I got. I will be forever grateful to Kapuso. Walang dahilan para tumalon ako sa ibang kumpanya.

You’ve been with Unang Hirit for more than a decade now. Why do you think UH remains strong in the morning show race? Also, what do you think should the UH team do more to improve the show?
Let the people and audience say their piece about our show [laughs]. Parang magiging maangas naman o mayabang ang dating ko po. Sila ang nakakapanood ng aming programa kaya naniniwala ako na may karapatan silang mag-demand kung sa tingin nila ay may mga pagkukulang kami o ang show mismo.

If we’re still leading the race, I guess we’re doing the right thing. Pero siyempre pa, there’s always room for improvement at feeling ko naman willing ang show at mga host na i-improve kung anuman ang dapat i-improve. 

Before we end this Q&A, could you tell us about the history of your legendary boom mic and your signature line, “Smile naman diyan and everything!”
My boom mic [laughs]. Probe Team thought of it. Nung nag-brainstorming ang Probe sa Baguio kasama si Ma’am Cheche of course, pinag-isipan lahat ng look ng “Pasakalye.” Paano siya aangat. Hindi ko na maalala though kung sino specifically ang nakaisip na boom ang gamitin ko. It was like also a symbolism na lahat ay may boses! At magkakasya silang lahat sa malaking boom mic ko.

The tagline “Smile naman diyan and everything” ay nagsimula sa “and everything.” Ang lenggwahe dati kasi ng Probe ay Ingles kaya ang nakapaligid sa akin mga nag-i-ingles. Hindi ako fluent sa Ingles kaya kapag nagdudugo na ilong ko, idinudugtong ko na lang ang “and everything!” Kasama ko nun si Alberto “Betong” Sumaya Jr. na gumagamit ng “and everything!”

Tapos nung kinuha na ako ng Unang Hirit, dinagdagan ko na lang po ng “smile naman diyan” dahil sa napakapositibo ng smile, hindi lang sa akin kundi para sa ibang tao.  Eh diba nga kapag sinasabi mo ang smile like halimbawa now na isinulat ko yung word — nakangiti ako. Bagay sa umaga. Napakapositibong bagay kapag narinig mo siya.

If you could be given a chance, what do you want to do next?
I have nothing in mind yet. Ako naman kasi, kapag naisipan ko na may gusto akong gawin, ginagawa ko rin naman. Pero naniniwala naman kasi ako na kapag ukol laging bubukol.

What’s the best advice you can give to aspiring journalists out there? How can they get a foot in the door?
Be one of the differences our country and countrymen deserves. And if compassion and passion are there in your spirit and heart, I guess you’ll always find that way to make it in the media. Or if God designed the path for you to be in there, gaya nang ginawa Niya sa akin. Huwag mong sayangin ang pagkakataon. Mahalin mo at pangalagaan ang mundo ng media na papasukin mo.



Stories you might have missed